Sunday, May 2, 2010

“Buhay nga naman”

Minsan nga naman sa buhay ng tao, may nawawala at may dumarating bigla. Minsan masaya at minsan rin malungkot. Hindi mo alam kung anong naghihintay sa iyo sa mga pahahong darating. Maraming pagsubok ang dumarating sa ating buhay, pero kailangan nating magpakatatag.

Noong bata pa si Arian ay iniwan na siya ng kanyang mga magulang. Tumira siya sa kanyang tiyahin na si Tiya Monette. Inalagaan siya nito at tinuring na parang isang tunay na anak. Doon niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. May isang anak na ampon ang kanyang Tiya Monette, ito ay si Jared, isang matalino, mabait at mahilig sa musika na bata.

Sabay silang lumaki ni Arian hanggang sa siya ay makapagtapos ng pag-aaral at nagtrabaho sa isang companiya bilang isang “personal body guard” ng presidente.

Isang araw, pag-uwi nina Jared at Arian sa kanilang bahay, nadatnan nilang dugoana at nakahandusay sa sahig ang kanilang Tiya Monette.

Nahirapan itong tanggapin ni Arian, kaya sa bawat araw na pumapasuk siya sa eskwelahan ay wala ito sa kanyang sarili at parang nasa ibang daigdig ang pag-iisip. Agad naman siyang dinamayan ng kanyang mga kaibigan na sina Khysha at Archer.

Natagalan rin bago bumalik ang saya sa mukha ni Arian. Kagaya nga ng sabi nila, kailangang mag “move on” para malampasan ang pagsubok ng buhay.

Lumipas ang isang buwan ng pag-iimbistiga, ng nalaman ni Jared na siya pala ang mutibo ng mga taong pumatay sa kanyang Tiya Monette, ang taong iyon ay taohan ni Mr. Doofensmirt na may-ari ng isang malaking companya sa Maynila.

Pinagplanohang mabuti ni Jared at ng kanyang mga kasamahan ang pagdakip sa salarin sa madaling panahon.

Araw ng Linggo ng tumatakbo si Arian papauwi sa kanilang bahay ng biglang nasagasaan siya ng isang bike at hinimatay.

Paggising niya, ay nandoon na siya sa hindi kilalang lugar. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot ng biglang pumasuk ang isang lalaki, hindi niya mapaliwanag ang kanyang naramdamang takot at kaba kaya kinagat nito ang kanyang dila.

Nang nakita niya ang lalaki ay nabigla siya, dahil itong taong ito na siyang nakasagasa sa kanya ay si Clarience Reyes ang lalaki sa kanyang mga pangarap, ang pinakasikat na pianista sa kanilang eskwelahan. Sinapak niya ang kanyang mukha para masiguradong hindi siya nananaginip.

Lumapit sa kanya si Clarience, ng inilapit na nito ang mukha nito sa kanya ay parang lumulutang siya sa kalawakan sa saya. Pumikit siya at bigla niyang naramdaman ang sakit dahil ginamut ni Clarience ang bukol sa kanyang ulo na sanhi ng kanyang pagkahimatay. Nagpasalamat siya nito at dali-daling lumabas. Hindi niya mapaliwanag ang kanyang nadaramang saya ng makita niya ng harapan at malapitan si Clarience kahit na masakit ang kanyang bukol, okay lang sa kanya.

Kinabukasan ikinuwento ni Arian kay Khysha ang nangyari sa hapong lumipas ng nakita niya ng harapan at malapitan si Clarience Reyes. Napasigaw sa saya si Khysha ng malaman ang mga nangyari, at ipinakwento pa niya ang mga ibang ditalyi. Si Archer na nakikinig sa kanila ay hindi na umimik. Ang tanging hiling lang niya ay makita lang si Arian sa araw-araw ay kuntinto na siya.

Dumating ang araw na natupad na ang pinapangarap ni Arian na makasayaw si Clarience. Kapansin-pansin na hindi tumitingin ito sa kanyang mga mata. Nang matapos na ang sayaw ay lumabas si Arian para magpahangin. Ilang sandali lang ang lumipas, dumating si Clarience at nakipag-usap sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala ng kinausap siya nito.

Simulat-simula pa lamang ay may gusto na pala si Clarience sa kanya pero hindi niya ito masabi-sabi kaagad dahil kaibigan niya ang kuya ni Arian. Hindi nagtagal at naamin na ni Clarience ang kanyang nararamdaman para kay Arian. Naging masaya ang kanilang pagsasama. Palagi siyang binibigyang ni Clarience ng “snow ball”.

Isang araw, may isang paligsahan ng musika kung saan kasali si Clarience, laking gulat nina Arian at Khysha ng hindi dumating si Clarience.

Hinanap nila ito, ilang sandali pa ang lumipas ay tumawag kay Arian ang kapatid na babae ni Clarience na si Ira para ipaalam na si Clarience ay nasa Ospital.

Agad-agad na pinuntahan ni Arian si Clarience sa Ospital. Sinabi ng mga magulang ni Clarience kay Arian na may sakit na leukaemia si Clarience at may taning na ang buhay nito.

Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa kanyang narinig, sa mga panahong iyon ay wala siyang ibang magawa kundi ang magdasal sa Diyos.

Kinabukasan ng nagising si Clarience at nakita niya na nakatulog sa isang silya na malapit sa kanya si Arian. Hinawakan niya ito at ilang sandali pa ay nagising na si Arian. Kinamusta niya si Clarience, isang oras ang lumipas ng dumating ang mga magulang ni Clarience. Awang-awa sila sa kanilang anak ng sinabi nito na gusto na niyang lumabas sa Ospital para makasama nito si Arian kahit nalang sa huling sadali ng kanyang buhay.

Sinulit ni Clarience ang mga huling sandali na kasama si Arian at binigyan niya uli ito ng malaking “snow ball”. Sa mga panahong magkasama silang dalawa ay hindi na nagkikita sina Archer at Arian.

Si Archer na hindi makumpleto ang araw kung hindi makita si Arian ay nagkasakit. Hindi ito nalaman kaagad ni Arian dahil nandoon siya kasama ni Clarience.

Pagkaraan ng isang lingo ay binawi-an na ng buhay si Clarience.

Tatlong araw ang lumipas, dinala na sa huling hantungan si Clarience, hinagis ni Arian ang pula, asol at pink na rosas sa kabaong nito imbis na puti. Ang pink ay simbulo ng kanyang pasasalamat, ang pula ay simbulo ng kanyang pagmamahal at ang asol ay wala lang, gusto lang niyang ihagis.

Nang gabing iyon ay muling tinignan ni Arian ang mga “snow ball” na binigay ni Clarience bago pa ito binawian ng buhay. Ang bawat isa nito ay may laman na isang piyesa na ginawa ni Clarience para sa kanya. Hindi niya maiwasang umiyak habang nakikinig sa mga piyesang ito.

Ang huling bigay ni Clarience na “snow ball” kay Arian ay may isang mahalagang mensahe para sa kanya, ang nakasaad dito ay “huwag kang malungkot dahil kung nalulungkot ka, mas nalulungkot ako, maging masaya ka palagi huwag hihinto ang mundo mo pagwala na ako. MAGMAHAL KANG MULI”.

Kinabukasan tinawagan siya ni khysha at sinabi na si Archer ay nasa Ospital at kritical na ang kondisyon dahil walang siyang kaparihang dugo at walang dugo na naisalin sa kanya. Agad na pumunta si Arian sa Ospital na punong-puno ng kaba ang dibdib.

Pagdating niya doon ay sinubukan niyang ikumpara ang dugo niya sa dugo ni Archer. Magkatugma ang kanilang blood type kaya nagsalin siya ng dugo kay Archer.

Ilang sandali pa ang lumipas ay napag-alaman na nilang magkapatid silang dalawa dahil inampon lang pala si Archer ng kanyang mga kinikilalang magulang.

Pakatapos ng isang linggo, bumalik ang lakas ni Archer at bumalik narin ang dating samahan at saya ni Arian.

Samantalang nahuli na si Mr. Doofensmirt na siyang nagtangkang pumatay kay Jared.

Sabay na nagtapos ang mag kaibigan sa koleheyo. Nagkaroon sila ng trabaho at nangging masaya.

Si Khysha ay naging kasintahan ni Jared atnim na buwan lang ang lumipas ay nagpakasal sila. Si Archer ay naging CEO sa companya na pag-aari ng umampon sa kanyang sina Mr. at Mrs. Jones. Habang si Arian naman ay nilibot sa buong mundo. Mga ilang buwan rin bago siya naka pag move on. Sa kanyang paglalakbay ay doon niya nakilala niya si Aaron Harrison na muling nagpatibuk ng kanyang puso. Sabay nilang nilibot ang mundo at pinuntahan ang ibat-ibang mga tanawin sa ibat-ibant bansang kanilang pinuntahan. Pagkalipas ng isang taon ay umuwi sila sa Pilipinas at doon nagpakasal at namuhay ng masaya.